Mag-donate kahit nasa bahay ka lang with GCash

Mag-donate kahit nasa bahay ka lang with GCash

Posted on April 7, 2020 | 2 minute read

Buong mundo ang lumalaban sa COVID-19 ngayon. Lahat ng pamahalaan sa iba’t-ibang antas ay nagtutulung-tulong para maipatupad ang mga health measures para sa ating kaligtasan. Pero dahil sa enhanced community quarantine, limitado na rin ang access natin sa pagkain, pera, at personal protective equipment gaya ng masks at alcohol. Hindi lang tayong mga mamamayan ang nahihirap, pati na rin ang mga frontline health workers na nasa mas delikadong sitwasyon sa mga panahong ito.

Ang good news, pwede mong tulungan ang kapwa Pilipino at COVID-19 frontliners gamit ang GCash App!

Kailangan mo lang gumawa ng GCash account. Madali lang ito at libre pa! Kung meron ka nang account, i-skip ang mga steps sa ibaba at dumiretso dito.

Paano Gumawa ng GCash Account

Madali lang mag-register sa GCash at wala pang bayad! Sundin lang ang sumusunod na steps para mag-download at mag-register:

  1. I-download ang GCash sa App Store, Google Play, or App Gallery
  2. Mag-sign up gamit ng iyong mobile number. Lahat ng networks pwede, kahit hindi Globe!
  3. I-enter ang kinakailangan na impormasyon at siguraduhin na katugma nito ang mga detalye sa iyong valid ID
  4. Gumawa ng 4-digit mobile PIN (MPIN)
  5. I-enter ang authentication code na itetext sa iyong cellphone
  6. Mag-log in sa app gamit ng iyong MPIN

Sunod, i-verify ang iyong account gamit ng iyong valid ID at isang selfie para ma-access mo lahat ng GCash features and services. Sundin ang mga sumununod:

  1. Buksan ang menu sa app at i-tap ang ‘Verify Now’
  2. I-tap ang ‘Get fully verified’
  3. Pumili ng valid ID sa listahan
  4. Kumuha ng malinaw na picture ng iyong ID at i-tap ang ‘Submit’
  5. Kumuha ng selfie—don’t worry, walang makakakita nito maliban sa amin!
  6. Kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at siguraduhin na pareho ang mga detalye sa iyong government ID
  7. I-review ang iyong impormasyon at siguraduhin na ito ay kumpleto at tama
  8. I-tap ang ‘Confirm.’ Hintayin ang resulta ng iyong application na matatanggap mo sa loob ng ilang minuto via SMS.

Paano mag-add ng funds sa iyong GCash account

Para mag-add ng funds sa iyong GCash wallet, pwede kang mag-cash-in online, gamit ang mobile banking, o over-the-counter. Piliin ang iyong preferred method dito: 

I-link ang iyong bank account or debit card para mag-cash-in

  1. Mag-log in sa GCash App at i-tap ang ‘Cash-In’
  2. Piliin ang bank na nais mong i-link
  3. Ilagay ang account details at sundan ang steps para i-link ang iyong account
  4. Kapag na-link mo na ang iyong account, makikita mo na ito sa ‘My Linked Accounts’ sa Cash-In page
  5. Para mag-cash-In, piliin ang iyong preferred bank sa ‘My Linked Accounts’
  6. I-enter ang amount na nais mong i-transfer at i-confirm!

Paalala: Hindi kailanman hihingin ng GCash representatives ang iyong MPIN, password o OTP. Huwag ibigay ang ganitong impormasyon sa kahit kanino at gamitin lang ito kung kailangan sa app.

Mag-cash-in gamit ang bank apps

  1. Mag-log in sa mobile app o website ng iyong bank
  2. Piliin ang transfer to another bank option at hanapin ang ‘GCash’ or G-Xchange Inc.’
  3. Gamitin ang iyong GCash-registered mobile number bilang account number
  4. I-enter ang transfer amount at i-confirm ang transaction

Paalala: May ilang bangko na maaaring mag-charge ng transaction fee, pero ang karamihan ay bank transfer ay free ngayong quarantine period. I-check ang policy ng iyong bangko para maiwasan ang ‘di inaasahan na fees.

Mag-cash-in over-the-counter

  1. Para magsimula, pumunta sa kahit saang Cash-In partner. Tingnan ang listahan dito: https://www.gcash.com/available-cash-in-partners-2020/
  2. Lumapit sa cashier or customer service counter
  3. Ilagay ang mga detalye sa Cash-In form o ipa-scan ang iyong Cash-In barcode sa app. Para mag-generate ng barcode, i-tap ang ‘Cash In’ > ’View All’ para sa Over the Counter options > ’Generate Barcode’
  4. Ibigay ang iyong bayad at hintayin ang resibo

Mag-cash-in sa TouchPay o Pay&Go machines

  1. Pindutin ang GCash Cash-In sa screen ng machine
  2. I-enter ang iyong 11-digit GCash number at cash-in amount
  3. I-insert ang iyong cash payment
  4. Kunin ang resibo mula sa machine

Ngayong na-set up mo na ang iyong GCash account, mas madali na mag-donate, kahit hindi ka lumalabas ng bahay!

Magpadala ng Pera

Pwede mong gamitin ang GCash Express Send para magpadala ng pera instantly and for free sa kahit sinong GCash user. Sundin lang ang instructions na ito:

  1. I-tap ang ‘Send Money’ sa dashboard ng app
  2. Piliin ang ‘Express Send’
  3. I-enter ang cellphone number ng papadalhan at ang amount na gusto mo ipadala
  4. I-tap ‘Next’ at mag-iwan ng message (optional)
  5. I-confirm ang transaction at hintayin ang in-app at SMS confirmation. Makukuha kaagad ng iyong papadalhan ang pera sa kanyang GCash account.

Ang isa pang option ay GCash Bank Transfer, kung saan pwede kang magpadala ng pera sa 40+ banks sa Pilipinas. Nakakatulong ito lalo na kung magdo-donate ka sa malalaking organizations tulad ng NGOs o LGUs. Ganito ito gamitin:

  1. I-tap ang ‘Bank Transfer’ sa app dashboard
  2. Piliin ang bank na gusto mong padalhan ng pera
  3. I-enter ang amount na gusto mong ipadala kasama ang pangalan at account number ng papadalhan mo 
  4. I-double check ang transfer details at i-tap ang ‘Confirm’ kung tama ito
  5. Makakakuha ka ng in-app at SMS confirmation kapag nakumpleto na ang transaction

Suportahan ang mga Frontliners

Isa pang paraan para suportahan ang laban kontra sa COVID-19 ay ang pagtulong sa ating mga frontliners para makuha nila ang mga kailangan nila. Ang GCash ay may inilunsad na FightCOVID19 campaign — isang digital donation drive na nagbibigay ng tulong sa frontiliners at health workers. Kung gusto mong mag-donate, narito ang instructions:

  1. Mag-log in sa GCash App at i-tap ang ‘Pay Bills’         
  2. Pindutin ang  ‘Others’        
  3. Piliin ang  ‘FightCOVID19’        
  4. I-enter ang iyong pangalan at amount na nais i-donate
  5. Piliin ang payment option na ‘GCash’   
  6. I-tap ang ‘Next’ at ‘Confirm’

Lahat ng donations ay pantay-pantay na hahatiin at ibibigay sa Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), Philippine Red Cross (PRC), World Vision, UP Medical Foundation, PGH Foundation, Inc., ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, at Ayala Foundation. Ang mga funds na ito ay gagamitin para magbigay-tulong sa high-risk frontliners at para sa protective equipment ng ating health workers.

Sa panahong ganito, ang bawat ambag, maliit man o malaki, ay makakatulong. Lahat tayo ay mayroong pwedeng gawin, tulad ng pananatili sa bahay at pagsunod sa social distancing, o kung may kakayahan man, ang pag-donate. Huwag nating kalimutan na mahalagang unahin natin ang sarili nating kapakanan sa pag-iwas sa matataong lugar at gumamit na lang ng delivery services, magpadala ng donations online, o iba pang options.

Back to blog