Cash in, scan to pay, and more at Puregold gamit ang GCash App!
Kahit nasa general community quarantine na tayo, kailangan pa rin nating mag-ingat kontra COVID-19. Hindi lahat ay pwedeng lumabas. Limitado rin ng curfew ang ating oras para mamili ng supplies. Buti na lang at may one-stop shop tayong mapupuntahan hindi lang para sa grocery, kundi para na rin sa ating GCash cash in at cash out needs. Ito ang grocery na naniniwalang tayo ay #AlwaysPanaloPGSamaSama: Puregold.
Patuloy ang Puregold sa pag-innovate ng kanilang mga serbisyo. Kasama rito ang pinadaling cash in at contactless payments para sa mga GCash users!
Mag-cash in to GCash sa Puregold branches
Para ma-enjoy ang mga GCash services at features, kailangan mong lagyan ng laman ang iyong account. Napakadali lang mag-cash in sa mga Puregold branches nationwide na tumatanggap ng GCash! Sundin lang ang mga steps na ito.
Mag-scan to pay gamit ang GCash barcode at GCredit
Ngayong may laman na ang iyong GCash wallet, handa ka nang mag-grocery! Instant ang pagbayad gamit ang iyong smartphone with GCash Scan to Pay. Hindi ka na maghahanap ng barya o kukulangin ng sukli. Ligtas din itong paraan ng pagbayad lalo na ngayon, dahil hindi mo kailangang humawak ng pera na pwedeng magkalat ng virus.
Kung meron kang GCredit, pwede mo rin itong ipambayad! May ECQ man o wala, pwede mong i-extend ang iyong grocery budget. May pagkukunan ka pa rin ng pambayad para sa iyong groceries!
Cash out your GCash balance sa Puregold
Kung pwedeng mag-cash in, pwede rin mag-cash out! Bukod sa groceries at home supplies, Puregold na rin ang one-stop shop para sa iyong cash out needs.
Bayaran ang inyong mobile app grocery order with GCash
Subukan ang mobile grocery shopping service ng Puregold para manatiling safe at malimitahan ang iyong paglabas during quarantine. I-download na ang Puregold Mobile app!
Sa Puregold Mobile app, piliin ang branch na pinaka-malapit sainyo. I-scan ang barcode ng items na bibilhin para madagdag ito sa iyong cart. Bago mag-check out, magbayad gamit ang GCash para sa mas mabilis na transaksyon. Hintayin ang app confirmation. Kapag nakuha ito, pwede ka nang pumunta sa napiling Puregold para i-pick up ang iyong groceries. Hindi ka na maglilibot sa grocery o pipila sa cashier.
Subukan din ang bagong Store-To-Door* grocery delivery service na available sa piling branches! Matapos magbayad ng iyong mga groceries with GCash, pwede mong ipa-deliver ang groceries sa iyong bahay sa halip na mag-pick up sa Puregold.
*I-check ang piling Puregold branches na may Store-To-Door delivery dito.
Malaking tulong sa lahat ng mamimili ang partnership ng Puregold at GCash! Bukod sa safe, secure, at contactless na pagbayad sa cashiers at in-app with GCash, available rin ang cash-in at cash-out sa Puregold. Para sa iyong GCash at grocery needs, sa Puregold ka na lang pupunta — hindi mo na kailangang maglibot pa sa iba.
Sa GCash App, pwede nang bumili ng load, magbayad para sa online shopping, at iba pa gamit lang ang iyong smartphone. Pwede ito sa kahit anong mobile network. Regulated pa ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas, kaya safe, secure, at reliable itong gamitin. Para manatiling ligtas sa bahay man o sa labas habang namimili, i-download na ang GCash App. Ito ang perfect payment app para sa iba’t ibang parte ng iyong shopping experience!